Kapag nag-iskedyul ng inyong appointment sa Duke Health, pwede ninyong hilingin sa medical interpreter na magpunta sa inyong appointment. Ang mga serbisyo ng interpreter ay available 24 oras kada araw, 7 araw sa isang linggo sa pamamagitan ng personal, telepono, o video interpreter. Kung mayroon kang My Duke Health (Duke MyChart) account, pwede mong ipahiwatig ang iyong napiling wika at kailangan ng interpreter ang inyong profile.
Mga Serbisyo ng Interpreter sa Duke Health (Interpreter Services)
Tagalog (Tagalog-Filipino)
Importante ang malinaw na komunikasyon sa iyong pangkat sa pangangalaga ng kalusugan para maunawaan ang kondisyon ng kalusugan mo o ng miyembro ng pamilya. Nagbibigay-daan ito sa iyo at sa iyong doktor na makagawa ng mga desisyon sa paggagamot para makamit ang pinakamahusay na posibleng resulta. Iyan ang dahilan kung bakit inaalok ng Duke Health ang mga libreng serbisyo ng tulong sa wika para sa lahat ng pasyente na gustong makipag-usap sa wikang naiiba sa Ingles. Ang ibang mga interpreter ay sinanay para magtrabaho sa lugar ng pangangalaga sa kalusugan at sinusunod ang lahat ng pamantayan para sa mga medical interpreter.
Pag-schedule ng Serbisyo ng Interpreter
Mga Opsiyon sa Serbisyo ng Interpreter
Personal na mga Interpreter
Ang mga pasyente ay may karapatang mag-request ng personal na mga interpreter sa lahat ng ospital at klinika ng Duke Health. Gagawin ng Duke Health ang lahat ng kanilang makakaya upang masunod ang inyong kahilingan. Kapag hindi available ang personal na interpreter, ikokonekta namin kayo sa isang kwalipikadong medical interpreter sa pamamagitan ng aming video o phone service. Kung kailangan ninyo ng isang personal na interpreter, pakisabihan ang aming tauhan sa oras ng admisyon o nang pauna kung posible.
Mga Serbisyo ng Telepono
Ang mga medical interpreter ay available sa pamamagitan ng mahigit 150 wika, 24 oras kada araw at 7 araw kada linggo, para matulungan ka sa pagpapatingin para sa pangangalagang pangkalusugan. Kapag ang napili mong wika ay ipinakikita na sa inyong My Duke Health (Duke MyChart) profile, siguruhin na aabisuhan ang inyong mga tauhan sa wikang kailangan ninyo kapag nagpapaiskedyul ng inyong appointment o sa oras ng inyong pagdating.
Mga Serbisyong Nakabase sa Video
Sa lahat ng lokasyon ng Duke Health, ang mga medical interpreter ay available sa pamamagitan ng video 24 oras kada araw, 7 araw kada linggo, sa mahigit 40 wika, kasama na ang American Sign Language (ASL). Kapag ang napili mong wika ay ipinakikita na sa inyong My Duke Health (Duke MyChart) profile, siguruhin na aabisuhan ang inyong mga tauhan sa wikang kailangan ninyo kapag nagpapaiskedyul ng inyong appointment o sa oras ng inyong pagdating.
American Sign Language (ASL)
Ang iyong tagapag-schedule ay maaaring maghanda ng isang in-person na interpreter sa sign language kapag ikaw ay gumawa ng iyong appointment sa alinmang lokasyon ng Duke Health. Kung ang isang in-person na interpreter ay hindi magagamit, maaaring magbigay ang Duke Health ng serbisyo ng ASL interpreter na nakabatay sa video.
Para sa mga appointment sa Telehealth
Para sa telehealth (virtual) , ang mga serbisyo sa wika ay ibinibigay sa pamamagitan ng telehealth platform. Ang kasama sa iyong sesyon ay ikaw, ang iyong doktor, at ang interpreter. Ang lahat ng serbisyo ng telehealth interpreter ay maaaring i-set up ng iyong tagapag-schedule kapag ikaw ay gumawa ng iyong appointment.
Pagsubaybay sa Mga Pasyente ng Ospital
Kung sinusubaybayan mo ang status ng isang miyembro ng pamilya o mahal sa buhay sa isang ospital ng Duke Health ngunit hindi English ang iyong gustong wika, makakatulong kami. Tumawag sa naaangkop na numero sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.
- Duke University Hospital: 919-681-3007
- Duke Raleigh Hospital, a Campus of Duke University Hospital: 919-954-3126 (desk ng impormasyon ng pasyente)
- Duke Regional Hospital: 919-470-4000
- Duke Health Operator: 919-684-8111
Nasusulat na Pagsasalin
Upang matiyak na lubos mong naiintindihan ang nasusulat na impormasyong pangkalusugan, nag-aalok kami ng pagsasalin ng mga nakalimbag na babasahin kabilang ang mga sulat ng pahintulot ng Duke Health, mga tagubilin sa paglabas, mga pang-edukasyon na materyales, at iba pang mga dokumentong medikal ng Duke. Ang mga nars, doktor, at iba pang mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ay maaaring magsumite ng kahilingan sa pagsasalin para sa mga nakalimbag na babasahin ng Duke Health para sa iyo.
International Patient Services
Kung naglalakbay ka papunta sa Duke Health mula sa ibang bansa, matutulungan ka ng International Patient Services sa pag-interpret, pag-schedule ng mga appointment, paghanda ng transportasyon at matutuluyan, at marami pa.